Bente kuwatro oras na akong gising. Tinatayp ko ito sa phone ko habang tumatae. Katatapos ko lang magsulat ng report. Katatapos ko lang din umiyak. Papasok ba ako sa opisina bukas? Huwag na? Kung hindi ako pumasok, baka matulog lang ako buong araw. Deliks kasi may deadline ako bukas (o sa Huwebes). Miyerkules na ng madaling araw ngayon. Ano ang bukas at ano ang ngayon? Kailangan ko nang matulog. Wala akong matatapos bukas, o ngayon, kung hindi ako matutulog. Tapos na akong tumae. Masakit ang ulo ko. Gutom na ako.
Leave a reply to Thea Cancel reply