sabaw

Bente kuwatro oras na akong gising. Tinatayp ko ito sa phone ko habang tumatae. Katatapos ko lang magsulat ng report. Katatapos ko lang din umiyak. Papasok ba ako sa opisina bukas? Huwag na? Kung hindi ako pumasok, baka matulog lang ako buong araw. Deliks kasi may deadline ako bukas (o sa Huwebes). Miyerkules na ng madaling araw ngayon. Ano ang bukas at ano ang ngayon? Kailangan ko nang matulog. Wala akong matatapos bukas, o ngayon, kung hindi ako matutulog. Tapos na akong tumae. Masakit ang ulo ko. Gutom na ako.

3 responses to “sabaw”

  1. kain lang muna ng konti. huwag biglain ang sarili. kung hindi kaya, pahinga muna tapos laban paunti-unti. okay lang umiyak, bigyan ka namin ng virtual yakap. wag ka sumuko, go go go laban!

    Liked by 1 person

  2. sana nakatulog ka na and nakakain ka 😥

    Liked by 1 person

  3. Nawa’y nakapasok ka at nameet ang deadline mo. Hehe

    Liked by 1 person

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.